MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 964

Ipinagbibigay-alam ng Pangkalahatang Konsulado ng Pilipinas sa lahat ng Pilipino sa Macau na sa ika-5 ng hapon ng Setyembre 28, ang naitalang pinsalang dulot ng bagyong “Pedring” (“Typhoon Nesat” sa pangalang internasyonal) ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay sumusunod: 18 kumpirmadong patay, 13 sugatan, 35 nawawala, at 108 ang naisalba. Meron ding 3, 365. Mayroon ding 3,365 na mga pasaherong naistranded sa 22 pier.

 

Nakapinsala rin ang bagyo ng 46 na paaralan at mga pananim na umaabot ang halaga sa 100,264,840.63 na piso.   

 

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga bagyo, bisitahin ang website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa address na www.ndrrmc.gov.ph.

 

Ang website ng NDRRMC  ay nagbibigay din ng mga abiso tungkol sa kalagayan ng panahon sa Pilipinas, partikular sa mga bagyong dumaan, o inaasahang dumaan sa bansa. Kasama rito ang mga payo kung ano ang dapat gawin ng mga residente sa mga lugar na labis na makakaranas ng sungit ng panahon, mga lugar kung saan pwedeng lumikas, at mga paghahanda na kailangang gawin bago pa man dumating ang bagyo o iba pang sakuna.

 

Hinihikayat ng Konsulado ang mga Pilipino sa Macau na makipag-ugnayan sa kanilang pamilya sa Pilipinas upang malaman ang kanilang kalagayan.